Groundbreaking Ceremony sa Barangay Pansol, Padre Garcia, Batangas.

 






Sa pangunguna nina Hon. Michael Angelo Rivera, Hon. Celsa Rivera, Hon. Micko Angelo B. Rivera at Hon. Darwin Hoseña ay nagkaroon ng Groundbreaking Ceremony sa Barangay Pansol, Padre Garcia, Batangas. Ang seremonya ay hudyat ng pagsisimula ng proyekto para sa itatayong Covered Court sa tabi ng Barangay Hall.

Dinaluhan ang nasabing ground breaking ni Ptr Eric De Veyra, Hon Melvin Vidal, Mr. Joseph Manalo (Kinatawan ng Manalo Family na nagkaloob ng Lupa) mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Department Heads, mga Punong Barangay at mamamayan ng Barangay Pansol.
Ipinabatid ng Lokal na Pamaalaan ang taos pusong pasasalamat sa Pamilya ni Mr and Mrs Mariano and Marina Manalo (+) na nagkaloob ng lupang pagtatayuan ng Covered Court. Nagpasalamat rin ang mga opisyal kay Senator JV Ejercito sa kaniyang tulong sa bayan ng Padre Garcia.

Post a Comment

0 Comments