π¦π’π’π‘ π§π’ π₯ππ¦π π£π¨ππππ πππ ππ§ππ₯π¬
Ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng maayos at disenteng pasilidad para sa ating mga yumaong mahal sa buhay. Isang pagsusumikap ito upang mapanatili ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa mga nauna nang pumanaw at magbigay ng malaking ginhawa sa kanilang mga naiwang pamilya.
Sa public cemetery na ito sa Padre Garcia, tinatayang magiging sagana sa espasyo at may modernong pasilidad upang masiguro ang kaginhawahan ng ating mga kababayan.
Naniniwala ako na ang proyektong ito ay magiging simbolo ng pagkakaisa ng ating komunidad sa pagharap sa mga aspeto ng buhay na hindi maiiwasan.
Inaasahan ko ang inyong patuloy na suporta at pakikiisa sa ating mga pangarap para sa isang mas maginhawa at makabuluhang hinaharap hindi lang sa Padre Garcia kung hindi para sa lahat ng BatangueΓ±o.
Maraming salamat sa inyong tiwala at pagtitiwala.
#LetUsMIKEitHappen #GobMike #MikeRiveraSa2025 #BatangasRising
0 Comments