Sa pangunguna ni Kgg. Celsa Rivera at Kgg. Micko Angelo B. Rivera at sa pagsusumikap ni Kgg. Erwin Inog Estole ay maalab nilang tinanggap sa Bayan ng Padre Garcia si Supremo Senator Lito Lapid ngayong Lunes ng umaga, February 12. Ipinaabot ng butihing Senador ang kanyang maagap na pagbati para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.
Pinangunahan ni Senator Lito Lapid ang payout ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantage Workers(TUPAD) ng DOLE sa bayan ng Padre Garcia. Nabiyayaan ang 169 benepisyaryo ng TUPAD mula sa iba't ibang barangay sa Padre Garcia.
Ipinaabot ni Mayor Celsa Rivera ang pasasalamat kay Senator Lito Lapid sa kanyang tulong at inaasahan ang patuloy na suporta para sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Padre Garcia.

0 Comments