Pagkilala sa mga Atletang Garciano na lumahok sa Division Meet noong nakaraang Linggo sa Bayan ng Balayan

 





Pinangunahan ng Punongbayan, Mayor Celsa Rivera at Pangalawang Punong Bayan, Vice Mayor Micko Angelo B. Rivera kasama ang mga Sangguniang Bayan ang pagbibigay Parangal at Pagkilala sa mga Atletang Garciano na lumahok sa Division Meet noong nakaraang Linggo sa Bayan ng Balayan, Batangas. Naiuwi ng mga Atletang Garciano ang Over all-2nd Runner Up dahil sa mga naitalang 43 Gold Medal, 28 Silver Medal at 14 Bronze Medal at halagang Php100,000 mula sa Lokal na Pamahalaan ng Balayan, Batangas.

Taos pusong pasasalamat ang ipinaabot ni 

Dr. Raul Napeñas sa Lokal na Pamahalaan sa suporta at tulong sa kanila kung kaya’t sila ay naging matagumpay sa larangan ng Sports.

Nagpaabot pa din ng patuloy sa suporta ang Punongbayan, Mayor Celsa B. Rivera at Vice Mayor Micko Angelo Rivera sa DepEd family para sa mga susunod nilang gawain at sa paghahanda sa susunod na laban.

Post a Comment

0 Comments