BAGO AT DE-KALIDAD NA MODERNONG GUSALI NG PADRE GARCIA MUNICIPAL HALL PORMAL NANG PINASINAYAAN AT BINUKSAN NGAYONG ARAW!
Ito ang katagang pahayag ni Mayor Celsa B. Rivera - 1 PADRE Garcia , Batangas na mapapakinabangan na ng mga Garciano ang de-kalidad na proyekto, modernong disenyo at agaw pansin nito ang walang kasing katulad na kagandahan kung maihahambing sa ibang munisipyo.
Sa mensahe ni Mayor Rivera, pinasalamatan si Senator Risa Hontiveros na naging dahilan upang maisakatuparan ang matagal na nilang pinapangarap na magkaroon ng ganitong istraktura.
Ayon pa ni Rivera, nakaukit na ngayong araw ang makasaysayang siglo ng selebrasyon dahil halos lahat ay tapos na ang mga proyekto sa kanilang bayan bunga ito ng pagpupursige at pakikipagtulungan ng bawat isang Garciano katuwang ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan at ng national government.
Umani rin ng samu't-saring positibong reaksyon mula sa mga bisita na nagmula pa sa iba't-ibang probinsya, mga karatig bayan at ganun din sa mga lehitimong residente ng Padre Garcia.
Humanga rin ang mga panauhing pandangal o ang mga bisita na nakiisa sa naturang selebrasyon dahil sa katatagan ng kanilang alkalde at ng mga sangguniang bayan katuwang ang iba't-ibang sector ng nasabing bayan.
Tahasang sinabi naman ni Congresswoman Lianda Bolilla na hindi nasusukat ang laki ng lupain o ng bayan kung wala naman itong kaunlaran, dahil ang Padre Garcia kung titignan sa pangkalahatan ay mas malaki itong pagmasdan dahil sa mga proyektong hindi matutumbasan ng mga karatig bayan.
Naghayag din ng pasasalamat ang dating Senador at ngayon ay Congressman Ralph Recto ng Lipa City na malayo na ang narating ng Padre Garcia dahil sa walang tigil nito ang pag-unlad na halos kumpleto na ang mga pasilidad na mapapakinabangan ng mga Garciano.
Samantala, Nangako naman si Senator JV Ejercito sa mga taga Padre Garciano na asahan ang kanilang buong suporta at tulong lalo sa aspeto ng mga programa ng Edukasyon, Kalusugan at iba't-ibang proyekto na higit mapapakinabangan ng mga residente.
Bago nagsiuwi ang mga bisita at ang mga nakiisa sa naturang okasyon ay kanya-kanya ng pa picture sa bago nitong eleganteng pasilidad sa loob ng munisipyo na mala hotel nito ang disenyo na taas noong ipagmamalaki ng mga Garciano.
Kaalinsabay ang naturang blessings at inaugurations ng newly constructed municipal building sa kaarawan ni Mayor Celsa Rivera ngayong araw ng Biyernes, July 28, 2023.
Sa kabuuang aktibidad masaya, matagumpay na idinaos at umuwi na may ngiti sa kanilang labi sa lahat ng mga naging panauhin na nasaksihan nito ang makasaysayang selebrasyon ng nabanggit na bayan.
Via JR Narit / Almira Larizza Rio Jamon
0 Comments