Sa pangunguna ng Butihing Ina at Lingkod Bayan, 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐂𝐞𝐥𝐬𝐚 𝐁. 𝐑𝐢𝐯𝐞𝐫𝐚 kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐌𝐢𝐜𝐤𝐨 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐨 𝐁. 𝐑𝐢𝐯𝐞𝐫𝐚 at mga Punong Barangay sa pangunguna ni ABC Nonato Gonzales ay pormal na nagkaroon ng Pagbabasbas at Pagpapasinaya ng bagong tayo na Padre Garcia Municipal Slaughterhouse sa Bayan ng Padre Garcia. Ang Pagbabasbas ay pinangunahan ni Rev. Fr. Christopher Mapalad, OSJ.
Naging panauhin sa pagdiriwang ang RFO IV-A NMIS Director Randy Lontoc at Dr. Noli Lindog ng Provincial Veterinary Office. Ang bagong tayong Slaughterhouse ay tugon sa Programa ng Lokal na Pamahalaan na magkaroon ng makabago at maayos na pasilidad na Katayan ng Hayop upang bigyan ng maayos na serbisyo ang mga Garciano at masiguro na malinis ang mga karneng dinadala at binibili sa Pamilihang Bayan ng Padre Garcia.
0 Comments