Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 Taong Anibersaryo ng Simbahang Lokal ng Arsidiyosesis ng Lipa, mainit na sinalubong at tinanggap ng Bayan ng Padre Garcia at ng Parokya ng Santisimo Rosaryo ang Mission Cross at Imahe ng Mahal na Birhen ng Caysasay.
Nakiisa sa pagsalubong sa mga imaheng ito ang Butihing Ina at Lingkod Bayan, Kgg. Celsa Braga-River, kasama ang Bise Alkalde Kgg. Micko Angelo B. Rivera, mga miyembro ng Sanggunian Bayan at mamamayang Garciano.
0 Comments