Bagong talagang SK Chairperson ng Bayan ng Padre Garcia






Ngayong araw ay pormal nang nanumpa sa Butihing Ina at Lingkod Bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera ang dalawang bagong talagang SK Chairperson ng Bayan ng Padre Garcia. Ito ay sina Kgg. Arianne Faye S. Ladao ng Brgy. San Felipe, at si Kgg. Ray Allen L. Saavedra ng Brgy. Banay-Banay. 

Ipinaalala ng Punong Bayan sa mga bagong talagang SK Chairperson ng nasabing mga Barangay ang mga tungkulin at alituntunin na dapat gampanan ng mga ito sa buhay paglilingkod at serbisyo publiko.


Post a Comment

0 Comments