BALIK-SAYA AT PASASALAMAT SA IKA-73 TAON ng BAYAN NG PADRE GARCIA - KABAKAHAN FESTIVAL2022 na may temang “GARCIANO : KAKAI-BA KA”
Matapos ang dalawang taon ng pandemya, panahon na upang unti-unti nating bigyang buhay muli ang masayang tradisyon ng KABAKAHAN FESTIVAL!
Sa ika-73 taon ng BAYAN NG PADRE GARCIA, binibigyang-pugay natin ang KATATAGAN AT GALING ng ating mga BARANGAY sa kabila ng mga hamon na kinaharap. Kaya't ang lahat ng 18 Barangay ay siyang magpapamalas ng kani-kanilang malikhaing gawa na ating itatanghal sa AGRI AND FOOD BAZAAR, GARCIANO’S GOT TALENT, THROWBACK 70’s-80’s DANCE CONTEST, COOKING COMPETITION, BUSINESS SECTORS AND STAKEHOKDERS GRAND PARADE at KABAKAHAN FESTIVAL QUEEN and GRAND PRODUCTION SHOWDOWN.
Simple man ang selebrasyon, ating iniaalay ang ating buong PASASALAMAT sa GABAY AT LAKAS ng ating MAHAL NA BIRHEN NG SANTISIMO ROSARYO.
Matutunghayan ang masasayang kaganapan sa November 30 at magtatapos ng December 1, 2022.
Inaanyayahan po ang lahat ng mga GARCIANOS na makilahok at makiisa sa mga aktibidades at matutunghayan ang mga tampok na produkto ng ating bayan.
Magkitakita tayo sa KABAKAHAN FESTIVAL 2022!
#KabakahanFestival2022
0 Comments