Commemoration of the 125th Anniversary of the Martyrdom of Dr. Jose Rizal




Pinangunahan ng Butihing Ina at Lingkod Bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera at Bise Alkalde Kgg. Noel C. Cantos ang pagdiriwang ng Anibersaryo ng Rizal Day, kasama ang lahat ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan na may temang “Rizal: Para sa Agham, Katotohanan at Buhay”.

Isinagawa ang programa sa isang simple at masayang pagdiriwang. Kaugnay nito ay nagkaroon ng trivia patungkol sa buhay at kabayanihan ni Dr. Jose Rizal na pinangunahan ni G. Rommel “Faviola” Torres Hidalgo, miyembro ng Heritage, Culture and Arts Council.


Post a Comment

0 Comments